Ilang daang taong paghihirap ang dinanas para makamit ang kalayaan. Ilang libong patak ng luha, dugo, at pawis
ang dumanak. Kung hindi dahil sa ating mga bayani, sana Wikang Espanyol na ang gamit natin. Dahil sa kanila, nakalaya tayo at binigyan tayo ng sariling Wika.
Wikang Filipino na sumisimbolo ng pagkakaroon ng kalayaan. Isinilang ka na
isang Pinoy, ngunit bakit mo ikinakahiya ang sarili mong wika? Isipin mo ang
kahalagahan ng wika, kung walang wika, ano ka? Isang mangmang na nakapatiwasay
sa gilid? Hindi nakapagbabahagi ng saloobin?
Mapalad ang bansang Pilipinas
sapagkat binubuklod tayo ng ating Wikang Filipino. Sa pitong libo, isang daan at
pitong pulo ng bansang Pilipinas, iba't iba mang pangkat etniko o kultura,
pinag-iisa tayo ng lahi, dahil sa pambansang wika. Dahil sa Wikang Filipino,
narating ng bansang Pilipinas ang kaunlaran. Ngunit sa paglipas ng panahon
nagkakaroon ng pagbabago katulad sa mga
buhangin sa dagat, tinatangay ng alon na pabago-bago. Nagpatangay tayo sa
mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at agham, ayaw nating maiwan, kaya sumabay
tayo sa mga napapanahong uso. Mas pinapahalagahan natin ng mas mataas na
pagkilala ang mga wika ng Kanluraning bansa.
Naalala ko noong isang taon, ang
isinigaw natin, "Filipino: Susi sa Pagbabago."ngunit anong pagbabago
ba ang tinutukoy nito? Sa pag-unlad o sa pagkawasak? Labis nating nakalimutan
ang ating pambansang wika, mas minatamis nating magsalita ng Ingles
dahil tingin natin, mas nakakataas tignan ang pagsasalita ng Ingles. "
Ikinararangal ko na ako'y isang Pilipino," pero sa pagtangkilik mo sa
ibang Wika, para mong itinakwil ang sarili mo at ang bayan mo. Wala kang
kaibahan sa isang lobo na nagdadamit-tupa, kung wikang filipino ay iyong
ikinahihiya.
Maraming salita ang dala ng panahon.
Jejemon, Bekimon, ay umusbong sa generasyon. Tila gusto ng tao ay mabilisan,
dahil kung ikaw ay mabagal, ika'y mapag-iiwanan. Iniiwan narin natin ang wikang kinagisnan. Huwag sana
nating malinutan, Wikang Filipino ang ating pinanggalingan.
Ref:https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTnuOwVf5xXWNyXLA3VmheCBTgqbKy0bL9kgK5FyFOwr8wZsN_72g
Ref:https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTnuOwVf5xXWNyXLA3VmheCBTgqbKy0bL9kgK5FyFOwr8wZsN_72g
galing! salamat. mabuhay ka! isa kang alamat. good job. <3
ReplyDeletenapakahusay!nakakamangha,ipagpatuloy mo ang pagiging malikhain
ReplyDelete